Ang isa pang Good Samaritan ng showbiz

Written By Allan Diones


Ang isa pang Good Samaritan ng showbiz na napabalita kahapon ay si Angel Locsin na ipinapa-auction ang kanyang kotseng 1970 Chevrolet Che*velle, na ang proceeds ay mapupunta sa Sagip Kapa*milya Foundation.

Hindi kay Angel nanggaling ang nasabing balita dahil ginawa niya ang pagpapasubasta na ‘yon anonymously, ang naglabas nito ay ang editor ng isang glossy automobile magazine.

In near-mint condition ang nasabing muscle car ni Angel, na handa nitong ipagkaloob sa highest bidder para sa Yolanda relief efforts.

Ibang klase talaga ang Kapamilya actress pagdating sa pagtulong sa mga oras ng sakuna at trahedya.
Paulit-ulit niya itong ginagawa at parang wala siyang kapaguran sa pagdamay sa kapuwa.

At ang kahanga-hanga kay Angel ay tahimik lang siyang nagtsa-charity work at hindi niya ito ipinag-iingay.

Ilang kakilala namin ang nagpapatunay na bigla na lang dumarating sa mga relief center si Angel para personal na mamahagi ng tulong, na walang anumang coverage.

Ugali ring puntahan ni Angel ‘yung mga lugar na hindi madalas bisitahin ng mga celebrity na kagaya niya, na makikita mo na lang siya sa isang sulok na tahimik na nagpa-pack ng relief goods kasama ng mga ordinaryong volunteer.

Sa ginawa niyang ito sa kanyang vintage car ay lalo pang tumaas ang respeto ng publiko kay Angel at lalo siyang sinamba nu’ng mga taong nakaalam ng kanyang discreet act of kindness ang generosity.
Pambihira ang mga katulad ni Angel Locsin.

Sa lahat ng mga kagaya niya na may bukas na palad at mabuting puso, mabuhay kayong lahat!
Pagpalain pa sana kayo!

Related

Showbiz 6857535975138580663

Post a Comment

emo-but-icon

Popular

Contribute

To post articles, please contact us at king4tech@gmail.com. Thank you!
item