Sermon ng Pari


May isang bata araw araw nanghihingi ng kanin baboy sa isang malaking bahay at binibigay nman ng kasambahay yung kaning baboy. Pero ng makita ng mayamang may ari ang bata sinita niya ito at ang sabi pa... baka kakutsaba ka lng ng mga magnanakaw ha? Sabi ng bata, hindi po marami po kasi kaming baboy! giit ng bata. Lihim na sinundan ng mayaman ang bata at nakita nya ito ay nakatira sa isang abandonadong lote! Napakaliit ng bahay. Kasya lamang ang 1 baboy! Nilapitan nya ang bata at sinita, wala ka palang baboy! Bakit nangunguha ka ng pagkaing baboy? Sinungaling kang bata ka?! Lumuhod ang bata habang umiiyak! Pasensya na po sir! Nag sinungaling po ako huhuhu...ano ba ang ginagawa mo sa kanin baboy? Galit na tanong ng mayaman. (Bata) Yung mga panis na kanin hinuhugasan ko po at sinasangag...yung mga ulam hinuhugasan ko rin po at muli kong pinakukuluan upang may pagkain kami ng nanay kong may sakit. Sambit ng bata...naiyak sa awa ang mayaman.niyakap nya ito. Pinagamot nya ang nanay at pinagaral ang bata hanggang makatapos ng kolehiyo!....

At sabi ng Pari...... ang batang iyon ay ako!!!

Related

Philippines 6044117066465439214

Post a Comment

emo-but-icon

Popular

Contribute

To post articles, please contact us at king4tech@gmail.com. Thank you!
item